Sunday, February 20, 2011

Pusang Kalye...Este Pasakalye!


Una sa lahat pasensya na sa may ari ng litrato na ginamit ko sa heading. Kinuha ko lang ‘yan sa internet. Gusto ko sanang magbigay ng attribution kaya lang walang pangalan kung kanino nanggaling. Kung sinop ka man, huwag kang mag-alala, papalitan ko din ‘yan pag nakabili na ‘ko ng DSLR…wish ko lang na makabili ako.

Bakit nga ba SarangGola Dreams? Astig kasi ang saranggola. Hindi ibon pero nakakalipad. May nararating pero may kontrol basta matibay ang pisi na pinagkakabitan nito. Sumusunod sa hangin pero hindi bara-barang makasunod lang. Malayo ang nararating pero babalik kapag hinila at kinakailangan na.

May tamang gabay kung baga!

Nakaangkas ako ngayon sa SarangGola. Make or break lang. Bahala na kung ang SarangGolang ito ang tutupad sa mga gusto kong maabot at marating. Sa ngayon nangangapa pa. Naghihintay kung may mapapala ba.

Sana lang ito na nga. At sana rin, dito na nga.


Nakakalungkot lang na sa pag-angkas ko sa SarangGola, may mga naiwan. Pero sabi ko nga, pasasaan ba at darating din naman ang panahon at oras na babalikan ko din sila. Kita kits na lang!

Post na walang wenta, walang litrato at walang excitement muna (nakita naman ninyo na walang kabuhay-buhay ang layout at design nitong bahay ko). Hindi naman din ako nangangako na sa mga susunod eh may mapupulot ka. Ang sa akin eh para lang ba tayong tumambay at nagku-kwentuhan, nanduong may katuturan ang usapan, posible rin namang puro kagaguhan.

Pwede kang tumanggi, pero iniimbitahan kita. Kapit lang, kasama kitang ililipad…saan man tayo mapadpad.

SGDreams®

(Pasensya na nga pala, hindi ko pa nailalagay yung mga dating ka-link-kisan. Kasi naman eh, hindi naman eh, hindi pa ko talaga nakagamit ng laptop ng lagpas 10 minuto, not until makaangkas ako sa SarangGola.) May disclaimer agad?

5 comments:

  1. ahehehe..welkambak...ayun bagong bago ito ah...woaaahhh... :)

    ReplyDelete
  2. 2nd base!
    mamaya na magbabasa...
    babalik ako premises.. ahihihi


    uhmm pwede rumekwes? pwede palagay ng name/url sa comment section? hihihi hirap magcomment eeeeh! tenchu!

    www.lifes-a-twitch.com

    ReplyDelete
  3. Congratulations sa bagong bahay at good luck sa pagde-dekorasyon, sa paglalagay ng kurtina hehehe

    ReplyDelete
  4. hihihi marami ka pang saranggolang makakasabay sa ere.. ;))
    magiging maayos ang lahat..ull just have to have fate na magiging ok nga din.. na tama ang naging desisyon mong umangkas sa saranggola... :D

    welcome back mulongski!

    we missed yah!


    *bat di mo na lang balikan ung dati mong bahay? deleted na ba?nangelam pa hahahahaha chureee*



    www.lifes-a-twitch.com

    ReplyDelete
  5. MR GULAMAN...long time no see sa mundong ito hehehe.

    NORTEHANON...salamat sa pagdaan!

    YANAH...as always ikaw ang pinakamasipag sa pag iikot. Salamat at di mol ko nakakalimutan!

    ReplyDelete